akala mo lang wala pero meron meron meron! wapak!
“Pinoy kaw? So wala kang kwenta? Katulong ka! Dog eater! Hampas lupa!”
Kung sino man ang nagsasabi nito tumabi tabi ka jan, hahambalusin kita ng itak e! Umalis ka sa harap ng salamin at umpisahan mong intindihin na may kwenta ka dahil pinoy ka. go go go sago!
Akala mo lang wala kang kwenta pero meron meron meron! Wapak!! O ayan magising ka! alam mo bang kabilang ka sa grupo ng pinaka matalinong nilalang sa galaxy? Sino nagsabi? Sino pa, edi yung pinakamatalino sa lahat..ehemmm..ako.
O sige nga. San ka nakakita ng NAPAKAaliit na bansa na may NAPAKAraming salita? Likas na magaling ang pinoy sa pagasasalita at pagpapahayag ng sarili kaya naman mayaman tayo sa wika. Minsan nga lang nakakaloka., pero nakakaaliw. Nakakatuwa. Patunay lang na magaling tayo. Astig!
Syempre isa na ako sa unang tao sa listahan pagdating sa kaastigan, miyembro ako ng samahan na ang tawag e URAGONs! Galing kami sa ubod na astig na lugar na ang ngalan ay Bicol. Hindi bukol kundi BICOL. Weh! Ayusin mo ang dila at pipilipitin ko yan.
(Eto ang MAyon. Hindi yan ginawa naming mga uragon. Di kami ganun kgaling. di kami Diyos. we’re just human you know)
Pinanganak ako sa Laguna. Pero dugong bikolano to! Bicolana nanay ko bicolano tatay ko. Meaning napakaganda kong bicolanano. Wekekek. Hindi unano? Umabot naman sa limang talampakan ang taas ko no. wag kang mang asar! lugar ko to bamboo.
Medyo mahirap ang salitang bikol pero kering keri naman kim. Nung una nga asa garden kami ng mga bago kong fans este klasmeyts, sabi nila “ sige dai ka masupog magkaput ki daga” . lumingon ako kung saan saan dahil akala ko may daga e yun pala ang ibig nilang sabihin, “ wag ka mahiya hawakan ang lupa”. Astig, ang lupa sa bikol, daga! Kaya kapag may nagaagawan ng lupa or teritoryo ang sinasabi “ daga ko to! Daga ko to! Wara maglabot (walang makikialam) daga ko to!”.. wekekek… daga nya yan! Humanap ka nga naman kasi ng daga mo. pusa! Meeeow!
Ang saya sa bikol. Kahit niyurak yurakan ng bagyong reming e nakatayo pa rin. URAGON nga e! buti na lang at lumayas na ang walang kwentang bagyo. Hassle na bagyo yun, ang daming perwisyo sa lahi namin. Humanda sya at reresbakan namin sya. Kaya reming, magatagu- tago kana! (pano kaya. wekek)
Yung eskwelahan namin nung highschool sinira nya..ahuhuhu.. wala syang awa. Naalala ko, para akong alien sa MORMS (iskul namin). Lahat kasi sila ang bilis bilis magbikol. Parang armalayt. Bratatatatat!! Boom tarat! Boom boom boom bautista. May tama na ako siaboc, Time out! Pwede magtagalog? Tahimik sila. Hay salamat. Mabait mga klasmeyts ko nun, magaling din sila magtagalog. Gifted talga. Magaling na sa bikol e magaling pa sa tagalog.
Syempre ibibida ko na nman ang sarili ko.. ehemm. Pagkatapos ng ilang taon magaling na rin ako sa bikol. Iba ibang klaseng bikol yan. Bawat siyudad at bayan kasi, may iba ibang termino. Pero hindi naman nagkakalayo. Minsan nga daga dito daga din doon. Wekekek. Iba iba din ang tono. Minsan malambing pero minsan parang gusto manghamon ng war! Ever! Kaya wag kang mabibigla pag akala mo sumisigaw ang isang bikolano. Nagpapaliwanag lang siya. Wekek.
Mahal ko ang salitang bikol at mga bikolano! Pero wala akong balak tumakbo. Wekek. Gusto ko pa humaba buhay ko hehe. Magsho- show girl nalang ako para shoshal. Pashensha na shungaw ako e. sha mga ibang gusto magturo ng ibang dayalekto game ako dyan! Pero libre? Kapos ako sarah.
Sa mga bikolano sa tabi tabi, kudos kita gabos! Ipailing ta an urag ta sa ubos! PS: ung 2 consecutive winners na tumira sa dilaw na bahay na pinamumunuan ni “dakulang manoy” hehe.. (big brother)… bicolana sila pareho (yeng & bea)..wala lang, proud of them!
VOTE FOR THIS BLOG NOW! CLICK MO TO>>
PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa” Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions – Web Design and Development
Yehey.com – Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia



_______








haahha! uragon! this entry is included in the wika2007 official list. GOOD LUCK!
wehehe…idol…ztig!
[...] AKALA MO LANG WALA PERO MERON MERON MERON! WAPAK! by Chibi [...]
Wika2007 Official Entries - “Anyone Can Blog” | Pinoy Bloggers Society (PBS) - PinoyBlogoSphere.com said this on August 19, 2007 at 5:50 pm
[...] AKALA MO LANG WALA PERO MERON MERON MERON! WAPAK! by Chibi [...]
PBS Wika2007 Official Entries by The Philippines According to Blogs said this on August 19, 2007 at 6:09 pm
Astig ang entry na ito. Marami rin akong good friends na Uragon. Sana maka attend ka sa binabalak na Bicol Bloggers Summit
Pigboto ko ini!
janette, sali ako jan kahit saling pusa. salamat sa pagtyatyagang magbasa dito.wekek:))
Filipinayzd, salamat sa boto (what an awkward bikol word wekek). napakaganda ng site mo.very informative entertaining (guys better check it out too!)..salamat ulit! kudos!n
[...] AKALA MO LANG WALA PERO MERON MERON MERON! WAPAK! by Chibi [...]
Wika 2007, Time to Vote! said this on August 21, 2007 at 12:55 am
[...] AKALA MO LANG WALA PERO MERON MERON MERON! WAPAK! by Chibi [...]
VOTE NOW for WIKA 2007 said this on August 21, 2007 at 1:45 am
nagbasa ng iyong entry. aun, apir tau province din yan ng tatay ko. god bless!
Ang Bicol ay isa sa mga bayang laging sinasalanta, pero lagi ring bumabangon. Meron na rin akong nakilalang mga laking-Bicol (mga ka-org ko dati) at natuto ako ng konting salita ngunit nakalimutan ko rin agad (oo, masama na ako, hehe).
uragon talaga ang mga bicolano. daing madaog!
wapak! ehehe. elo.
mgaling k ha?anyway, im workin hir in qatar, night shift ako,nung mbsa ko kwento mo,(kwento nga b?ahehe),ntawa tlga ako..nkkagising ka..(pra kng kuryente) niahaha
astig a.. taga bicol din ako.. sa norms ka palan.. my mga klasmeyts man aq ngunyan na college coming from that skul.. ganda naman.. kip it up..
hehehe astig 2 men,, i like it,, taga bicol man ako
:)
:):)
;)):):);)
nagdakula ako dun sa catanduanes,, well iba ung bicol mo ng konte sa salita namin dun pero naiintindihan ko naman ehh,, hehehehhehe
natawa talaga ako, ,keep it up!!!
ibandila natin ang pag ka bicolana!!! hehehhehe
tc alaways gur!!!!!!
babyyeeeee,,,,
low
shoutout from bicol here!
nice entry.
2 years ago pa to pero now ko lang nabasa.
mauragon ang mga sinurat mo manay..
mauragon man ining nagkokoment saimu.
hehe.